Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Hulyo 2027 › Hulyo 23
Kalendaryong Orthodox · Hulyo 10 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Hulyo 23, 2027
Biyernes · Ikalimang linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 3
Mga kapistahan at mga santo
Ang 45 Martir sa Nicopolis sa Armenia: Leoncio, Mauricio, Daniel, Antonio, Alejandro, Ianiquito, Sisinio, Meneo, Virilado at iba pa (c. 319)
Araw ng pag-aayuno
Pag-aayuno: may langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Panalangin sa Gabi: pagbasa
Wala sa saling ito
Panalangin sa Gabi: pagbasa
Wala sa saling ito
Panalangin sa Gabi: pagbasa
Wala sa saling ito
Panalangin sa Umaga: Ebanghelyo
27Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking ama. At walang nakakikilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakikilala sa Ama maliban sa Anak, at sa kahit sinuman na naisin ng Anak na ihayag ang Ama. 28Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29Dalhin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay mahinahon at may mapagpakumbabang puso at makakamit ninyo ang kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. 30Sapagkat madali ang aking pamatok at ang aking pasanin ay magaan.”
Sulat
1Inihahabilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na isang lingkod ng iglesiya na nasa Cencrea, 2upang siya ay tanggapin ninyo sa Panginoon. Gawin ninyo ito sa paraan na karapat-dapat sa mga mananampalataya, at tulungan ninyo siya sa anumang mga pangangailangan niya. Sapagkat siya mismo ay tumulong din sa marami, at ganun din sa akin. 3Batiin ninyo sina Prisca at Aquila, na mga kapwa ko manggagawa kay Cristo Jesus, 4na inilagay sa panganib ang kanilang mga buhay para sa aking buhay. Nagpapasalamat ako sa kanila, at hindi lamang ako, kundi pati na rin ang lahat ng mga iglesiya ng mga Gentil. 5Batiin ninyo ang iglesiya na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na aking minamahal, na siyang kauna-unahang bunga ng Asia kay Cristo. 6Batiin ninyo si Maria na naglingkod ng lubos para sa inyo. 7Batiin ninyo sina Andronico at Junia, na aking mga kamag-anak, at kasamahan kong mga bilanggo. Kilala sila sa mga apostol, na nauna pang nakakilala kay Cristo kaysa sa akin. 8Batiin ninyo si Ampliato, na aking minamahal sa Panginoon. 9Batiin ninyo si Urbano, na ating kapwa manggagawa kay Cristo, at ang minamahal kong si Staquis. 10Batiin ninyo si Apeles, na subok kay Cristo. Batiin ninyo ang mga nasa sambahayan ni Aristobulo. 11Batiin ninyo si Herodion, na aking kamag-anak. Batiin ninyo ang mga nasa sambahayan ni Narciso, na nasa Panginoon. 12Batiin ninyo sina Trifena at Trifosa, na naglingkod nang lubos sa Panginoon. Batiin ninyo si Persida na minamahal, na naglingkod nang labis sa Panginoon. 13Batiin ninyo si Rufo, na pinili ng Panginoon, at ang kaniyang ina at ina ko rin. 14Batiin ninyo sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hemas at ang mga kapatid na kasama nila. 15Batiin ninyo sina Filologo at Julia, Nereo at ang kaniyang kapatid na babae, at si Olimpas, at lahat ng mga mananampalataya na kasama nila. 16Batiin ninyo ang isa't isa sa pamamagitan ng banal na halik. Lahat ng mga iglesiya ni Cristo ay binabati kayo.
Sulat (San Antonio)
22Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabutihan, kabaitan, pananampalataya, 23pagkamahinahon, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. 24Sila na nakay Cristo Jesus ay ipinako ang laman na kasama ang silakbo nito at masamang mga pagnanasa. 25Kung tayo ay nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, tayo rin naman ay lumakad sa pamamagitan ng Espiritu. 26Huwag tayong maging mapagpahalaga sa sarili, galitin ang isa't isa o mainggit sa isa't isa. 6:1Mga kapatid, kung ang isang tao ay nahuli sa ilang pagkakasala, kayo na espiritwal ang dapat magpanumbalik sa taong iyon sa espiritu ng kahinahunan. Bantayan ninyo ang inyong sarili, upang hindi kayo matukso. 2Buhatin ninyo ang pasanin ng bawat isa, at nang sa gayon ay matupad ninyo ang kautusan ni Cristo.
Ebanghelyo
3At nagsabi si Jesus sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng talinghaga. Kaniyang sinabi, “Masdan ito, isang manghahasik ang lumabas upang maghasik. 4Sa kaniyang paghahasik, nahulog ang ilang mga binhi sa tabi ng daan, dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito. 5Ang ibang mga binhi naman ay nahulog sa mabatong lupa kung saan kakaunti lamang ang lupa. Ang mga ito ay mabilis na tumubo sapagkat mababaw lamang ang lupa. 6Ngunit nang sumikat na ang araw, ang mga ito ay natuyo dahil wala itong mga ugat, at nalanta ang mga ito. 7Ang ibang mga binhi ay nahulog sa may mga matitinik na halaman. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito. 8Ang ibang mga binhi ay nahulog sa mabuting lupa at ang mga ito ay namunga, ang iba ay tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tigtatatlumpu. 9Ang may taingang pandinig, ay makinig.”
Ebanghelyo (San Antonio)
25Maraming tao ang sumunod kay Jesus mula sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem at Judea at maging sa ibayo ng Jordan. 5:1Noong nakita ni Jesus ang maraming tao, umakyat siya sa bundok. Nang makaupo na siya, lumapit sa kaniya ang mga alagad niya. 2Nagsalita siya at tinuruan sila na sinasabi, 3“Pinagpala ang mahihirap sa espiritu, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit. 4Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin. 5Pinagpala ang mga maamo, sapagkat mamanahin nila ang mundo. 6Pinagpala ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin. 7Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan. 8Pinagpala ang may pusong dalisay, sapagkat makikita nila ang Diyos. 9Pinagpala ang mga mapagpayapa, sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. 10Pinagpala ang mga inuusig alang-alang sa katuwiran, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit. 11Pinagpala kayo kung inaalipusta kayo at inuusig ng mga tao o pagsalitaan ng lahat ng uri ng mga masasamang bagay na pawang mga kasinungalingan ng dahil sa akin. 12Magsaya kayo at labis na magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Sapagkat sa ganitong paraan inusig ng mga tao ang mga propetang nabuhay noon bago pa kayo.
Mga santo ng araw
- Paglalagak ng Mahal na Damit ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa Moscow (1625)
- Kagalang-galang na Antonio ng mga Kuweba ng Kyiv, pinuno ng lahat ng mga monghe ng Rus (1073)
- Mga Paring Martir Pedro at Esteban, mga pari, at Jorge at Nestor, mga diyakono (1918)
- Martir Apolonio (ika-3 siglo)
- Mga Martir Bianor at Silvano (ika-4 siglo)
- Mga Kagalang-galang na ermitanyo ng Ehipto na pinatay sa apoy at usok (c. 398)
- Kagalang-galang na Silvano, monghe ng Dakilang Eskima ng mga Kuweba ng Kyiv, sa Malalayong Kuweba (ika-13–14 siglo)
- Mga Kagalang-galang na Eumenio (1920) at Partenio (1905) ng Gortyna
- Ikon ng Ina ng Diyos ng Konevets
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Hulyo 10 sa kalendaryo ng simbahan ay Hulyo 23 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan