Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Abril 2027 › Abril 16
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Abril 16, 2027
Biyernes · Ikatlong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Mga kapistahan at mga santo
Biyernes ng ikatlong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Karaniwang araw · Kulay ng liturhiya: puti
Pag-aayuno at pagpepenitensiya
Araw ng pagpepenitensiya
Bawat Biyernes ay araw ng pagpepenitensiya; ang bawat kumperensiya ng mga obispo ang nagtatakda kung paano ito ginagawa: pag-iwas sa karne o ibang gawa ng penitensiya. Ang pag-aayuno ay para sa edad 18 hanggang 59, ang pag-iwas sa karne mula 14.
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
1Subalit si Saulo na patuloy pa rin na nagsasalita ng mga banta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon ay nagtungo sa mga pinakapunong pari 2at humingi sa kaniya ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco, upang kung may makita siyang sinumang kabilang sa Daan, maging lalaki o babae, ay maari niyang dalhin na nakagapos sa Jerusalem. 3Habang siya ay naglalakbay, nangyari nga na nang malapit na siya sa Damasco, biglang may nagningning na liwanag mula sa langit sa buong paligid; 4at siya ay natumba sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi sa kanyang, “Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?” 5Sumagot si Saulo, “Sino kayo Panginoon? “Sumagot ang Panginoon, “Ako si Jesus na iyong inuusig; 6ngunit bumangon ka, pumasok ka sa lungsod, at sasabihin saiyo kung ano ang dapat mong gawin.” 7Ang mga lalaking kasama ni Saulo sa paglalakbay ay hindi nakapagsalita, naririnig ang tinig, ngunit walang nakikita. 8Tumayo si Saulo sa lupa, at nang imulat niya ang kaniyang mga mata, wala na siyang nakita kaya inakay siya at dinala sa Damasco. 9Hindi siya nakakita sa loob ng tatlongaraw at hindi kumain ni uminom. 10Ngayon may isang alagad sa Damasco na ang pangalan ay Ananias; at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya sa pamaamgitan ng isang pangitain, “Ananias” At sinabi niya, “Tingnan mo, narito ako, Panginoon.” 11Sinabi ng Panginoon sa kaniya,”Tumayo ka, at pumunta ka sa kalye na kung tawagin ay Matuwid, at tanungin mo sa tahanan ni Judas ang lalaking galing sa Tarsus na ang pangalan ay Saulo; sapagkat siya ay nananalangin; 12at nakita niya sa pangitain ang lalaking nagngangalang Ananias na dumarating at nagpapatong ng kamay nito sa kaniya, upang siya ay makakita.” 13Ngunit sumagot si Ananias,”Panginoon, narinig ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung paano niya ginawan ng masama ang mga banal mong mga tao sa Jerusalem. 14Siya ay may kapangyarihan mula sa mga pinakapunong pari upang dakpin ang lahat na tumatawag sa inyong pangalan.” 15Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya,” Pumunta, ka sapagkat siya ay sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa mga Hentil at sa mga hari at sa lahat ng anak ng Israel; 16sapagkat ipapakita ko sa kaniya kung gaano siya dapat magtiis para sa aking pangalan.” 17Kaya umalis si Ananias, at pumasok sa tahanan. Ipinatong nito ang kaniyang kamay sa kaniya at sinabi, “Kapatid na Saulo, ang Panginoon Jesus, na siyang nagpakita sa iyo sa daan nang papunta ka rito, ay sinugo ako upang ikaw ay makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.” 18Kaagad may isang bagay na parang kaliskis ang nahulog mula sa mga mata ni Saulo, at bumalik ang kaniyang paningin; Tumayo siya at nabautismuhan; 19at siya ay kumain at lumakas. Nanatili siya kasama ng mga alagad sa Damasco ng ilang mga araw. 20Kaagad ay ipinahayag niya si Jesus sa mga sinagoga, sinasasabing siya ang Anak ng Diyos.
Salmong Tugunan
1Purihin si Yahweh, lahat ng bansa; siya ay parangalan, lahat ng mga tao. 2Dahil ang kanyang katapatan sa tipan ay dakila para sa atin, at ang pagiging mapagkakatiwalaan ni Yahweh ay mananatili magpakailanman. Purihin si Yahweh.
Ebanghelyo
52Ang mga Judio ay nagalit sa isa't isa at nagsimulang magtalo-talo, na sinasabi, “Paanong ibibigay sa atin ng taong ito ang kaniyang laman upang kainin natin?” 53At sinabi sa kanila ni Jesus, “Tunay nga, maliban na lang kung kakainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kaniyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong mga sarili. 54Sinuman ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw. 55Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. 56Ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako sa kaniya. 57Gaya ng buhay na Ama na nagsugo sa akin, at gaya ng ako ay nabuhay dahil sa Ama, ang kakain sa akin ay mabubuhay din dahil sa akin. 58Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit, hindi tulad ng kinain ng mga ninuno at namatay. Ang kakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. 59Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang siya ay nagtuturo sa Capernaum.
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan