Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Marso 2027 › Marso 17

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Marso 17, 2027

Miyerkules · Ikalimang linggo ng Kuwaresma

Mga kapistahan at mga santo

Miyerkules ng ikalimang linggo ng Kuwaresma

Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: lila

San Patricio, obispo · Pag-alaala

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

Dan 3:14–20, 24–25, 28

14Sinabi ni Nebuchadnezar sa kanila, nakapagpasya na ba kayo, Shadrac, Meshac at Abednego upang hindi sambahin ang aking mga diyos o magpatirapa sa harapan ng gintong imahen na aking ipinatayo? 15Ngayon, kung handa na kayo—kapag maririnig ninyo ang mga tunog ng mga tambuli, mga plauta, mga sitar, mga lira, mga alpa at mga saltero at lahat ng uri ng tugtugin—magpatirapa at dumapa sa imahen na aking ginawa at magiging maayos ang lahat. Ngunit kapag hindi kayo sasamba, kaagad kayong itatapon sa naglalagablab na pugon. Sinong diyos ang maaaring magligtas sa inyo mula sa aking mga kamay?” 16Sumagot sa hari sina Shadrac, Meshac at Abednego, “Nebucadnezar, hindi namin kailangang sumagot sa usaping ito. 17Kung mayroon mang sagot, ito ay ang aming Diyos na aming pinaglilingkuran ang may kakayahan na magligtas sa amin mula sa naglalagablab na pugon at ililigtas niya kami mula sa inyong mga kamay, o hari. 18Ngunit kung hindi man, nais naming malaman mo ito, o hari, na hindi kami sasamba sa iyong mga diyos at hindi kami magpatirapa sa gintong imahen na iyong ipinatayo.” 19Pagkatapos, napuno ng poot si Nebucadnezar, nagbago ang kaniyang mukha laban kay Shadrac, Meshac at Abednego. Iniutos niya na painitin ang pugon ng pitong beses na mas mainit kaysa sa karaniwang init nito. 20At iniutos niya sa ilan ng kaniyang pinakamalakas na mga kalalakihan ng kaniyang hukbo upang gapusin sina Shadrac, Meshac at Abednego at itapon sila sa naglalagablab na pugon. 24At namangha ang haring si Nebucadnezar at agad na tumayo. Tinanong niya ng kaniyang mga tagapayo, Hindi ba't tatlong kalalakihan na nakagapos ang ating itinapon sa apoy?” Sumagot sila sa hari, “totoo mahal na hari.” 25Sumagot siya, “Ngunit apat na kalalakihan ang aking nakikita na hindi nakagapos at naglalakad sa gitna ng apoy at hindi sila nasaktan. Ang kinang ng ika-apat ay tulad ng anak ng mga diyos.” 28Sinabi ni Nebucadnezar, “Purihin natin ang Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego na nagpadala ng kaniyang mensahero at nagbigay ng kaniyang mensahe sa kaniyang mga lingkod. Nagtiwala sila sa kaniya nang isinantabi nila ang aking utos at isinuko ang kanilang mga katawan kaysa sumamba o magpatirapa sa sinumang diyos maliban sa kanilang Diyos.

Salmong Tugunan

Wala sa saling ito

Ebanghelyo

Juan 8:31–42

31Sinabi ni Jesus sa mga Judio na naniwala sa kaniya, “Kapag kayo ay nanatili sa aking salita, kayo nga ay tunay kong mga alagad; 32at malalaman ninyo ang katotohan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo. 33Sumagot sila sa kaniya, “Kami ay mga lahi ni Abraham at hindi kailanman inalipin ng kahit sinuman; paano mo nasabi, 'Kayo ay mapapalaya?” 34Si Jesus ay sumagot sa kanila, “Tunay nga, sinabi ko sa inyo, kung sinuman ang magkasala ay alipin ng kasalanan. 35Ang alipin ay hindi laging nananatili sa tahanan; ang anak ay laging nananatili. 36Kung gayon, kapag pinalaya na kayo ng Anak, kayo ay tunay ngang malaya. 37Alam ko na kayo ay kaapu-apuhan ni Abraham; gusto ninyo akong patayin dahil ang aking mga salita ay walang lugar sa inyo. 38Sinasabi ko ang mga bagay na nakita ko sa aking Ama, at kayo din ginagawa ninyo ang mga bagay na narinig ninyo mula sa inyong ama. 39Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Ang aming ama ay si Abraham.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo ay mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang mga gawain ni Abraham. 40Ngunit, ngayon ninanais ninyo na patayin ako na isang taong nagsabi sa inyo ng katotohan na narinig ko mula sa Diyos. Hindi ito ginawa ni Abraham. 41Ginawa ninyo ang gawain ng inyong ama.” Sinabi nila sa kaniya, “Hindi kami ipinanganak sa seksual na imoralidad; may isa kaming Ama, ang Diyos.” 42Sabi ni Jesus sa kanila, “Kung ang Diyos ang inyong Ama, mamahalin ninyo ako, sapagkat ako ay nagmula at nanggaling sa Diyos; sapagkat hindi ako naparito dahil sa aking sarili lamang, kundi isinugo niya ako.

Mga santo ng araw

Mga santo ng Marso 17

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan