Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Marso 2027 › Marso 12
Kalendaryong Orthodox · Pebrero 27 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Marso 12, 2027
Biyernes · Sanlinggo ng pag-iwas sa keso · Tono 7
Mga kapistahan at mga santo
Biyernes ng linggo ng pag-iwas sa keso
Sanlinggo ng keso
Walang karne; pinapayagan ang gatas, itlog at isda
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Ikaanim na Oras
7“Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Masdan ninyo, malapit ko ng iligtas ang aking mga tao mula sa lupaing sinisikatan ng araw at mula sa lupaing linulubugan ng araw! 8Sapagkat ibabalik ko sila at maninirahan sila sa kalagitnaan ng Jerusalem, kaya muli silang magiging aking mga tao at ako ang magiging Diyos nila sa katotohanan at sa katuwiran!''' 9Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: Kayong ngayong nagpapatuloy sa pakikinig sa mga salita na nagmumula sa mga bibig ng mga propeta nang inilatag ang pundasyon ng aking tahanan— itong aking tahanan na Yahweh ng mga hukbo: Palakasin ninyo ang inyong mga kamay upang maitayo ang templo. 10Sapagkat bago pa ang mga araw na iyon, walang pananim na naipon ang sinuman; walang pakinabang maging para sa mga tao o hayop. At walang kapayapaan mula sa mga kaaway para sa sinumang umaalis o dumarating. Itinakda ko ang bawat tao laban sa kaniyang kapwa. 11Ngunit ngayon, hindi na ito tulad ng naunang mga araw, sasamahan ko ang mga nalalabi sa mga taong ito!''' Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. 12'''Sapagkat maihahasik ang mga butil ng kapayapaan. Mamumunga ang umaakyat na baging ng ubas at ibibigay ng lupain ang ani nito. Ibibigay ng kalangitan ang hamog nito, sapagkat ipapamana ko ang lahat ng mga bagay na ito sa nalalabing mga taong ito. 13Isa kayong halimbawa ng sumpa sa ibang mga bansa, sambahayan ng Juda at sambahayan ng Israel. Ngunit ngayon, ililigtas ko kayo, at pagpapalain kayo. Huwag kayong matakot; palakasin ninyo ang inyong mga kamay!''' 14“Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo:' Gaya ng aking binalak na saktan kayo nang galitin ako ng inyong mga ninuno at hindi ako naglubag ng loob,' sinabi ni Yahweh ng mga hukbo, 15kaya binabalak ko rin sa mga panahong ito na muling gumawa ng mabuti sa Jerusalem at sa sambahayan ng Juda! Huwag kayong matakot! 16Ito ang mga bagay na dapat ninyong gawin: Magsabi ang bawat tao ng katotohanan sa kaniyang kapwa. Humatol nang may katotohanan, katarungan, at kapayapaan sa inyong mga tarangkahan. 17At huwag hayaan ang sinuman sa inyo na magbalak ng masama sa inyong puso laban sa inyong kapwa, ni maakit sa mga hindi totoong panunumpa, sapagkat kinamumuhian ko ang lahat ng mga bagay na ito!''' Ito ang pahayag ni Yahweh.
Panalangin sa Gabi: pagbasa
19“Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Ang mga pag-aayuno sa ika-apat na buwan, sa ika-limang buwan, sa ika-pitong buwan, at sa ika-sampung buwan ay magiging panahon ng kagalakan, kasiyahan, at masayang pagdiriwang para sa sambahayan ng Juda! Kaya ibigin ang katotohanan at kapayapaan!'''' 20''Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Muling darating ang mga tao, maging ang mga naninirahan sa iba't ibang mga lungsod. 21Pupunta ang mga naninirahan sa isang lungsod patungo sa ibang lungsod at sasabihin, ''Magmadali tayong pumunta upang humingi ng tulong kay Yahweh at upang hanapin si Yahweh ng mga hukbo! Pupunta rin kami mismo.''' 22Darating ang maraming tao at malalakas na mga bansa upang hanapin si Yahweh ng mga hukbo sa Jerusalem at hihingi ng tulong kay Yahweh!'' 23Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Sa mga panahong iyon, sampung kalalakihan mula sa bawat wika at bansa ang hahawakan nang mahigpit ang laylayan ng iyong balabal at sasabihin, “Sasama kami sa iyo, sapagkat narinig namin na kasama mo ang Diyos!'''''
Mga santo ng araw
- Kagalang-galang na Procopio ng Decapolis (†c. 750) [mula Sabado]
- Paring Martir Pedro, pari, at Martir Miguel (1938)
- Kagalang-galang na Talaleo ng Siria (460)
- Kagalang-galang na Tito, pari ng mga Kuweba ng Kyiv (pagkatapos ng 1196)
- Kagalang-galang na Tito ng mga Kuweba ng Kyiv, dating kawal (ika-14 siglo)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Pebrero 27 sa kalendaryo ng simbahan ay Marso 12 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan