Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Pebrero 2027 › Pebrero 27
Kalendaryong Orthodox · Pebrero 14 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Pebrero 27, 2027
Sabado · Sanlinggo ng Maniningil ng Buwis at ng Pariseo · Tono 5
Mga kapistahan at mga santo
Kagalang-galang na Auxencio (c. 470)
Sanlinggong walang pag-aayuno
Walang pag-aayuno
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
1Ngunit alamin ito: na sa mga huling araw ay magkakaroon ng kahirapan. 2Sapagkat ang mga tao ay magiging makasarili, maibigin sa pera, mayabang, hambog, mga lapastangan, suwail sa mga magulang, walang utang na loob, at hindi banal. 3Sila ay mawawalan ng likas na pag-ibig, hindi mapayapa, mga mapanira, walang pagpipigil sa sarili, marahas, hindi maibigin sa mabuti. 4Sila ay magiging mga taksil, matigas ang ulo, palalo, maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos. 5Magkukunwari silang mga maka-diyos ngunit itatanggi nila ang kapangyarihan nito. Layuan mo ang mga taong ito. 6Sapagkat ilan sa kanila ay pumapasok sa mga bahay at nang-aakit ng mga mangmang na babae. Ang mga babaeng ito ay patong-patong ang mga kasalanan at natatangay ng iba't-ibang pagnanasa. 7Ang mga babaeng ito ay palaging nag-aaral, ngunit kahit kailan wala silang kakayahang magkaroon ng pang-unawa sa katotohanan. 8Sa ganoon ding paraan na tulad ni Janes at Jambres na sumalungat kay Moises. Sa paraang ito ang mga bulaang tagapagturo ay sumalungat din sa katototohanan. Sila ang mga kalalakihan na nasira ang kaisipan, hindi sang-ayon sa pananampalataya. 9Ngunit hindi sila uunlad. Sapagkat mahahayag ang kanilang kahangalan sa lahat, tulad ng mga kalalakihang ito.
Ebanghelyo
45Habang nakikinig ang lahat ng mga tao, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, 46“Mag-ingat kayo sa mga eskriba na gustong maglakad na nakasuot ng mahabang mga balabal, at gustong-gusto ang mga pagbati sa mga lugar na pamilihan, at mga upuang pandangal sa sinagoga, at mga upuang pandangal sa mga pista. 47Nililimas din nila ang mga bahay ng mga balong babae, at nagpapanggap na nananalangin nang mahaba. Sila ay tatanggap ng mas mabigat na paghatol.” 21:1Tumingala si Jesus at nakita niya ang mga mayayamang tao na inilalagay ang kanilang mga kaloob sa kabang-yaman. 2Nakita rin ang isang mahirap na babaeng balo na inihuhulog ang dalawang katiting. 3Kaya sinabi niya, “Totoo, sinasabi ko sa inyo, mas malaki ang inilagay ng mahirap na babaeng balong ito kaysa sa kanilang lahat. 4Nagbigay silang lahat ng mga kaloob mula sa kanilang kasaganahan. Ngunit ang babaeng balo na ito, sa kabila ng kaniyang kahirapan, inilagay ang lahat ng salaping mayroon siya upang mabuhay.”
Mga santo ng araw
- Kapantay ng mga Apostol na Cirilo, guro ng mga Eslabo (869)
- Paring Martir Onesimo, Obispo ng Tula (1937)
- Paring Martir Trifon, diyakono (1938)
- Kagalang-galang na Maron, ermitanyo ng Siria (c. 433)
- Banal na Hirarka Abraham, Obispo ng Carras (ika-5 siglo)
- Ang 12 Griyegong nagtayo ng Katedral ng Paghimlay sa Lavra ng mga Kuweba ng Kyiv (ika-11 siglo)
- Kagalang-galang na Isaac, ermitanyong nakakulong ng mga Kuweba ng Kyiv (c. 1090)
- Paglilipat ng mga relikya ni Tapat na Prinsipe Miguel ng Chernihiv at ng maharlikang si Teodoro (1578)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Pebrero 14 sa kalendaryo ng simbahan ay Pebrero 27 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan