Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Disyembre 2026 › Disyembre 15

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Disyembre 15, 2026

Martes · Ikatlong linggo ng Adbiyento

Mga kapistahan at mga santo

Martes ng ikatlong linggo ng Adbiyento

Karaniwang araw · Kulay ng liturhiya: lila

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

Zef 3:1–2, 9–13

1Kaawa-awa ang mapanghimagsik na lungsod! Nadungisan ang marahas na lungsod! 2Hindi siya nakinig sa tinig ng Diyos, o tumanggap ng pagtutuwid mula kay Yahweh! Hindi siya nagtiwala kay Yahweh at hindi lumapit sa kaniyang Diyos. 9Ngunit magbibigay ako ng dalisay na mga labi sa mga tao, upang tawagin silang lahat sa pangalan ni Yahweh, upang paglingkuran nila ako nang may pagkakaisa. 10Mula sa ibayo ng ilog ng Etopia, magdadala sa akin ng mga handog ang mga taong sumasamba sa akin at ang aking mga taong nagkawatak-watak. 11Sa araw na iyon, hindi kayo malalagay sa kahihiyan dahil sa lahat ng kasamaang ginawa ninyo laban sa akin sapagkat mula sa araw na iyon, aalisin ko mula sa inyo ang mga taong nagdiwang ng inyong pagmamataas at dahil hindi na kayo magyayabang sa aking banal na bundok. 12Ngunit iiwanan ko kayo gaya ng isang mababa at mahihirap na mga tao at magiging kanlungan ninyo ang pangalan ni Yahweh. 13Hindi na magkakasala ang mga nalalabi sa Israel o magsasalita ng mga kasinungalingan at hindi sila mahahanapan ng mapanlinlang na dila sa kanilang bibig, kaya kakain sila, hihiga at walang sinuman ang mananakot sa kanila.”

Salmong Tugunan

Awit 34:1–2, 5–6, 16–18, 22

1Pupurihin ko si Yahweh sa lahat ng oras; ang kaniyang kapurihan ay laging mamumutawi sa aking bibig. 2Pupurihin ko si Yahweh; nawa marinig ito ng api at sila ay matuwa. 5Nagniningning ang mga tumitingin sa kaniya, at ang kanilang mga mukha ay hindi nahihiya. 6Ang inapi ay umiyak, at narinig siya ni Yahweh at niligtas mula sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan. 16Si Yahweh ay laban sa mga gumagawa ng masama, para burahin ang kanilang alala sa mundo. 17Ang mga matutuwid ay umiiyak, at naririnig ito ni Yahweh at mula sa lahat ng kanilang mga kaguluhan, nililigtas sila. 18Si Yahweh ay malapit sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nadurog ang espiritu. 22Ang mga kaluluwa ng kaniyang mga lingkod ay tinutubos ni Yahweh; walang mahahatulan sa mga kumukubli sa kaniya.

Ebanghelyo

Mat 21:28–32

28Subalit ano sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Pumunta siya sa una at sinabi, 'Anak pumunta ka at magtrabaho sa araw na ito sa ubasan,' 29Sumagot ang anak at nagsabi, 'Ayaw ko,' subalit, pagkatapos nito nagbago ang kaniyang isip at pumunta siya. 30At ang taong ito ay pumunta sa kaniyang pangalawang anak at nagsabi ng ganoon din. Sumagot ang anak na ito at nagsabi, 'Ginoo, pupunta ako.' Ngunit hindi siya pumunta. 31Alin sa dalawang anak na lalaki ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?” Sabi nila, “Ang nauna.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaing nagbebenta ng aliw ay mauunang makapasok sa kaharian ng Diyos bago kayo. 32Sapagkat si Juan ay pumunta sa inyo sa daan ng katuwiran, subalit hindi ninyo siya pinaniwalaan, samantalang ang mga maniningil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw ay naniwala sa kaniya. At kayo, noong nakita ninyo na nangyari, hindi man lang kayo nagsisi pagkatapos nito upang maniwala sa kaniya.

Mga santo ng Disyembre 15

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan