Bible Explorer Kunin ang app

Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Nobyembre 2026 › Nobyembre 23

Kalendaryong Katoliko

Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Nobyembre 23, 2026

Lunes · Ika-34 linggo sa Karaniwang Panahon

Mga kapistahan at mga santo

Lunes ng ika-34 linggo sa Karaniwang Panahon

Malayang Paggunita · Kulay ng liturhiya: berde

San Clemente I, papa at martir · Malayang Paggunita

San Columbano, abad · Malayang Paggunita

Mga pagbasa sa araw na ito

Unang Pagbasa

Pah 14:1–5

1Tumingin ako at nakita ang Kordero na nakatayo sa aking harapan sa Bundok Sion. Kasama niya ang 144,000 siyang may pangalan at pangalan ng kaniyang Ama na naisulat sa kanilang mga noo. 2Narinig ko ang tinig mula sa langit na tila isang dagundong ng maraming tubig at malakas na kulog. Ang tunog na narinig ko ay tulad din ng mga manunugtog na tumutugtog ng kanilang mga alpa. 3Umawit sila ng isang bagong awit sa harapan ng trono at sa harap ng apat na buhay na nilalang at sa mga nakatatanda. Walang sinuman ang nakakaalam ng awit maliban sa 144,000 na tinubos mula sa mundo. 4Sila ang mga hindi dinungisan ang kanilang mga sarili sa mga babae, dahil pinanatili nila ang kanilang sarili sa pagdalisay ng sekswal. Sila ang mga sumusunod sa Kordero saan man siya pumupunta. Sila ang tinubos mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga sa Diyos at sa Kordero. 5Walang kasinungalingan ang natagpuan sa kanilang mga bibig; sila ay walang kapintasan.

Salmong Tugunan

Awit 24:1–6

1Ang buong lupain ay kay Yahweh, ang daigdig at ang lahat ng naninirahan dito. 2Dahil itinatag niya ito sa mga karagatan at itinaguyod sa mga ilog. 3Sino ang aakyat sa bundok ni Yahweh? Sino ang tatayo sa kaniyang banal na lugar? 4Siya na may malinis na mga kamay at dalisay na puso; siyang hindi nagtatanghal ng mga kasinungalingan, at hindi nanunumpa para lang manlinlang. 5Makatatanggap siya ng pagpapala mula kay Yahweh at katuwiran mula sa Diyos ng kaniyang kaligtasan. 6Iyan ang salinlahi ng mga naghahanap sa kaniya, sila na humahanap sa mukha ng Diyos ni Jacob. Selah

Ebanghelyo

Luc 21:1–4

1Tumingala si Jesus at nakita niya ang mga mayayamang tao na inilalagay ang kanilang mga kaloob sa kabang-yaman. 2Nakita rin ang isang mahirap na babaeng balo na inihuhulog ang dalawang katiting. 3Kaya sinabi niya, “Totoo, sinasabi ko sa inyo, mas malaki ang inilagay ng mahirap na babaeng balong ito kaysa sa kanilang lahat. 4Nagbigay silang lahat ng mga kaloob mula sa kanilang kasaganahan. Ngunit ang babaeng balo na ito, sa kabila ng kaniyang kahirapan, inilagay ang lahat ng salaping mayroon siya upang mabuhay.”

Mga santo ng araw

Mga santo ng Nobyembre 23

Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo A, taon ng karaniwang araw II.

Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan