Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Oktubre 2026 › Oktubre 30
Kalendaryong Orthodox · Oktubre 17 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Oktubre 30, 2026
Biyernes · Ika-22 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 4
Mga kapistahan at mga santo
Propeta Hosea (820 BC)
Araw ng pag-aayuno
Pag-aayuno: may langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
10Binabati kayo ni Aristarco na aking kapwa bilanggo, pati na rin si Marcos, ang pinsan ni Barnabas tungkol sa kung saan natanggap ninyo ang mga kautusan, “Kung pupunta siya sa inyo tanggapin ninyo siya,” 11at si Jesus na tinatawag din nilang Justu. Sila lamang sa pagtutuli ang kapwa ko manggagawa para sa kaharian ng Diyos. Sila ang nakapagbigay ng kaginhawaan sa akin. 12Binabati kayo ni Epafras. Isa siya sa inyo at isang alipin ni Cristo Jesus. Lagi siyang nagsisikap na manalangin para sa inyo, upang tumayo kayong ganap at punong-puno ng katiyakan sa lahat ng kalooban ng Diyos. 13Sapagkat naging saksi ako sa kaniya, nagpakahirap siyang gumagawa para sa inyo, para sa mga nasa Laodicea at Hierapolis. 14Bumabati sa inyo si Demas at si Lucas na minamahal na manggagamot. 15Batiin mo ang mga kapatid sa Laodicea, si Nimfas at sa iglesiya na nasa kaniyang bahay. 16Kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, basahin din ninyo ito sa iglesia ng mga taga-Laodicea at siguraduhin din ninyong nabasa ang liham mula sa Laodicea. 17Sabihin ninyo kay Archipus, “Tingnan mo ang gawain na iyong natanggap sa Panginoon, na dapat mong tapusin ito.” 18Ang pagbating ito ay sa pamamagitan ng aking sariling kamay—Pablo. Alalahanin ninyo ang aking mga kadena. Sumainyo nawa ang biyaya.
Ebanghelyo
12Nang patapos na ang araw, lumapit sa kaniya ang Labindalawa at sinabi, “Pauwiin mo na ang mga tao upang sila ay makapunta sa mga kalapit na nayon at kabukiran upang makapaghanap ng matutuluyan at makakain sapagkat tayo ay nasa ilang na lugar.” 13Ngunit sinabi niya sa kanila, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Sinabi nila, “Ang mayroon po tayo ay hindi hihigit sa limang tinapay at dalawang isda, maliban na lamang kung kami ay bibili ng pagkain para sa mga taong ito. 14Mayroong nasa limanlibong lalaki ang naroon. Sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Paupuin ninyo sila sa grupong may tiglilimampung bilang.” 15At ginawa nila iyon at lahat ng mga tao ay umupo. 16Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, at habang nakatingin sa langit, pinagpasalamatan niya ang mga ito, at pinagpira-piraso, at ibinigay niya ito sa kaniyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. 17Silang lahat ay nakakain at nabusog, at ang mga tira sa mga pagkain ay pinulot at napuno ang labindalawang basket. 18Nangyari nga, na habang siya ay mag-isang nananalangin, kasama ang kaniyang mga alagad, at sila ay kaniyang tinanong na sinasabi, “Ano ang sinasabi ng maraming tao kung sino ako?”
Mga santo ng araw
- Kagalang-galang na Martir Andres ng Creta (767)
- Paring Martir Neofito, pari, at mga Kagalang-galang na Martir Jacinto at Calisto (1918)
- Paring Martir Alejandro, Arsobispo ng Semipalatinsk (1937)
- Mga Martir at Walang-Bayad na Manggagamot Cosme at Damian ng Arabia, at ang kanilang mga kapatid na mga Martir Leoncio, Antimo at Eutropio (287 o 303)
- Paglilipat ng mga relikya ni Matuwid na Lazaro na Apat na Araw nang Patay, Obispo ng Kition (898)
- Kagalang-galang na Antonio ng Leokhnovo, ng Novgorod (1611)
- Mga Ikon ng Ina ng Diyos na tinatawag na “Birhen Bago at Pagkatapos ng Panganganak” (1827) at “Tagapagpalaya” (c. 1889)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Oktubre 17 sa kalendaryo ng simbahan ay Oktubre 30 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan