Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Mula kay Hezekias hanggang kay Josias

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Mula kay Hezekias hanggang kay Josias

Naging hari si Hezekias

2 Hari 18:1–3 · 2 Cro 29:1–2

2 Mga Hari

2 Hari 18:1–3

1Ngayon sa pangatlong taon ni Hosea na anak ni Ela, hari ng Israel, nagsimulang maghari si Hezekias na anak ni Ahaz, hari ng Juda.

2Dalawampu't limang taong gulang siya nang magsimula siyang maghari; naghari siya ng dalawampu't siyam na taon sa Jerusalem. Abija ang pangalan ng kaniyang ina; na anak ni Zecarias.

3Ginawa niya ang tama sa paningin ni Yahweh, sinunod ang lahat ng halimbawa na ginawa ni David, na kaniyang ninuno.

2 Mga Cronica

2 Cro 29:1–2

1Nagsimulang maghari si Ezequias noong siya ay dalawampu't limang taong gulang at naghari siya ng dalawampu't siyam na taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Abija na anak ni Zacarias.

2Ginawa niya ang tama sa mga mata ni Yahweh at sinusunod ang lahat ng halimbawang ginawa ni David, na kaniyang ninuno.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY