Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Disyembre 2027 › Disyembre 24
Kalendaryong Orthodox · Disyembre 11 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Disyembre 24, 2027
Biyernes · Ika-27 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 1
Mga kapistahan at mga santo
Kagalang-galang na Daniel ang Estilita (489-490)
Pag-aayuno ng Pasko
Pag-aayuno: lutong pagkain na walang langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
1Mula kay Pablo, na isang apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, ayon sa pangako ng buhay na nakay Cristo Jesus, 2para kay Timoteo, pinakamamahal na anak: Biyaya, habag, at kapayapaan mula sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon. 8Kaya huwag mong ikakahiya ang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon, maging ako, si Pablo, na kaniyang bilanggo. Sa halip, makibahagi sa pagdurusa para sa ebanghelyo ayon sa kapangyarihan ng Diyos. 9Ang Diyos ang nagligtas sa atin at tumawag sa atin sa banal na pagkatawag. Ginawa niya ito, hindi ayon sa ating mga gawa, ngunit ayon sa kaniyang layunin at biyaya. Ibinigay niya ang mga bagay na ito sa atin kay Cristo Jesus bago pa ang pasimula ng panahon. 10Ngunit ngayon naihayag na ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Si Cristo ang siyang naglagay ng hangganan sa kamatayan at nagdala ng buhay na walang hangganan upang magliwanag sa pamamagitan ng ebanghelyo. 11Dahil dito, ako ay hinirang na tagapangaral, isang apostol, at tagapagturo. 12Dahil dito ako din ay nagdurusa sa mga bagay na ito. Ngunit hindi ako nahiya, sapagkat kilala ko ang aking pinaniwalaan. Natitiyak ko na kaya niyang ingatan ang anumang bagay na ipinagkatiwala ko sa kaniya hanggang sa araw na iyon. 13Ingatan mo ang mga halimbawa ng mga tapat na mensaheng narinig mo sa akin, kasama ang pananampalataya at pag-ibig na nakay Cristo Jesus. 14Ang mabuting bagay na ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, bantayan mo ito sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na namumuhay sa atin. 15Alam mo ito, na lahat ng nakatira sa Asya ay tumalikod sa akin. Sa grupong ito ay sina Figelo at Hermogenes. 16Kahabagan nawa ng Panginoon ang sambahayan ni Onesiforo, sapagkat madalas niya akong pinalalakas at hindi niya ikinahiya ang aking kadena. 17Sa halip, noong nasa Roma siya, masigasig niya akong hinanap, at natagpuan niya ako. 18Ang Panginoon nawa ang magkaloob sa kaniya upang kaniyang masumpungan ang habag sa araw na iyon. At alam mo ng lubusan ang lahat ng paraan ng pagtulong niya sa akin sa Efeso.
Ebanghelyo
37Kaya't tuwing umaga siya ay nagtuturo sa templo at sa gabi siya ay lumalabas, at nagpapalipas ng gabi sa bundok na tinatawag na Olivet. 38Ang lahat ng mga tao ay dumarating nang napakaaga upang makinig sa kaniya sa templo. 22:1Ngayon, papalapit na ang Pista ng Tinapay na walang Pampaalsa, na tinatawag na Paskwa. 2Pinag-usapan ng mga punong pari at mga eskriba kung paano nila ipapapatay si Jesus, sapagkat natatakot sila sa mga tao. 3Pumasok si Satanas kay Judas Iscariote, isa sa Labindalawa. 4Nagpunta si Judas at nakipag-usap sa mga punong pari at mga kapitan tungkol sa kung paano niya maidadala si Jesus sa kanila. 5Nagalak sila, at nakipagkasundong bibigyan siya ng pera. 6Sumang-ayon siya, at naghanap ng pagkakataon upang madala niya si Jesus sa kanila malayo sa maraming mga tao. 7Dumating ang araw ng tinapay na walang pampaalsa, na kung saan kailangang ialay ang kordero ng Paskwa. 8Isinugo ni Jesus sina Pedro at Juan, at sinabi, “Pumunta kayo at maghanda ng hapunang Pampaskua upang ito ay ating kainin.”
Mga santo ng araw
- Paring Martir Teofanes, Obispo ng Solikamsk, at kasama niya ang dalawang Paring Martir at limang martir (1918)
- Paring Martir Nicolas, pari (1937)
- Paring Martir Juan, pari (1941)
- Martir Mirax (ika-7 siglo)
- Kagalang-galang na Lucas ang Estilita (970-980)
- Kagalang-galang na Nicon ang Payat, ng mga Kuweba ng Kyiv (ika-12 siglo)
- Mga Martir Acepsio at Aitalas
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Disyembre 11 sa kalendaryo ng simbahan ay Disyembre 24 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan