Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Oktubre 2027 › Oktubre 22
Kalendaryong Orthodox · Oktubre 9 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Oktubre 22, 2027
Biyernes · Ika-18 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 8
Mga kapistahan at mga santo
Apostol Santiago na anak ni Alfeo (ika-1 siglo)
Araw ng pag-aayuno
Pag-aayuno: may langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
18Manalangin kayo sa lahat ng oras ng may panalangin at paghingi. Magbantay kayong lagi ng may buong pagtitiyaga at panalangin para sa lahat ng mga mananampalataya. 19At ipanalangin ninyo ako na maibigay sa akin ang mensahe kapag binukas ko ang aking bibig. Ipanalangin ninyo na maipaalam ko nang may katapangan ang nakatagong katotohanan tungkol sa ebanghelyo. 20Para ito sa ebanghelyo kaya ako kinatawan na naka-tanikala, upang sa ganito makapagsalita ako nang may katapangan kung ano ang nararapat kong sabihin. 21Ngunit upang inyo ding malaman ang aking mga ginagawa at kung ano ang kalagayan ko, si Tiquico, ang minamahal na kapatid at tapat na alipin sa Panginoon ang magpapaunawa sa inyo ng lahat. 22Pinadala ko siya sa inyo para sa layuning ito, upang malaman ninyo ang mga bagay tungkol sa amin, at upang maaliw niya ang inyong mga puso. 23Mapasainyo nawa mga kapatid ang kapayapaan, at pag-ibig na may kasamang pananampalataya mula sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. 24Mapasainyo nawa ang biyaya sa mga nagmamahal sa ating Panginoong Jesu-Cristo na may pag-ibig na hindi kumukupas.
Ebanghelyo
31“Sa ano ko ihahambing ang mga tao sa salinlahing ito? Ano ang katulad nila? 32Katulad sila ng mga batang naglalaro sa pamilihan, na umuupo at tumatawag sa bawat isa at sinasabi, 'Tumugtog kami ng plauta para sa inyo, ngunit hindi kayo sumayaw. Nagdalamhati kami, ngunit hindi kayo umiyak.' 33Sapagkat naparito si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak, at inyong sinabi, 'Siya ay may demonyo.' 34Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at uminom at inyong sinabi, 'Masdan ninyo, siya ay isang napakatakaw na tao at isang manginginom, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan!' 35Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala ng lahat ng kaniyang mga anak.”
Mga santo ng araw
- Mga Kagalang-galang na Andronico at ang kaniyang asawang si Atanasia (ika-5 siglo)
- Mga Paring Martir Constantino at Pedro, mga pari (1918)
- Paring Martir Constantino, pari (1937)
- Matuwid na Abraham na Ninuno at ang kaniyang pamangking si Lot (2000 BC)
- Mga Martir Juventino (Evencio) at Maximo, mga kawal (361-363)
- Banal na Publia, Kumpesor, diyakonesa ng Antioquia (ika-4 siglo)
- Kagalang-galang na Pedro ng Galacia (ika-9 siglo)
- Ikon ng Ina ng Diyos ng Korsun (988, ika-12 siglo)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Oktubre 9 sa kalendaryo ng simbahan ay Oktubre 22 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan