Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Mayo 2027 › Mayo 27
Kalendaryong Orthodox · Mayo 14 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Mayo 27, 2027
Huwebes · Ikaapat na linggo ng Pasko ng Pagkabuhay · Tono 3
Mga kapistahan at mga santo
Martir Isidoro (251)
Pag-aayuno
Walang pag-aayuno
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
34At binuksan ni Pedro ang kaniyang bibig at sinabi, “Sa katotohanan, naunawaan ko ng lubusan na walang tinatangi ang Diyos. 35Sa halip, sa bawat bansa ang sinumang sumasamba at gumagawa ng mga matuwid na gawain ay katanggap-tanggap sa kaniya. 36Alam ninyo ang mensahe na ipinadala niya sa mga taga-Israel, nang ipahayag niya ang magandang balita tungkol sa kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na Panginoon ng lahat— 37Alam ninyo mismo ang mga kaganapan na nangyari, na naganap sa buong Judea, na nagsimula sa Galilea, pagkatapos nang pagbautismo na ipinahayag ni Juan; 38ang mga kaganapan na ukol kay Jesus ng Nazaret, kung paano siya pinuspus ng Diyos ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan. Naglibot siya na gumagawa ng kabutihan at nagpapagaling ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos. 39Saksi kami sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa bansa ng mga Judio at sa Jerusalem —itong si Jesus na kanilang pinatay, na binitay sa isang kahoy. 40Itong taong ito ay muling binuhay ng Diyos sa ikatlong araw at ibinigay siya upang makilala, 41hindi sa lahat ng mga tao, kundi sa mga saksi na noon pa man ay pinili na ng Diyos- kami mismo, na kumain at uminom kasama niya pagkatapos niyang muling mabuhay mula sa mga patay. 42Inutusan niya kami upang mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang pinili ng Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay. 43Ito ay para sa kaniya kaya nagpapatotoo ang mgapropeta, upang ang lahat ng sumasampalataya sa kaniya ay makatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.”
Ebanghelyo
12Muli nagsalita si Jesus sa mga tao at sinabi, “Ako ang ilaw ng mundo; ang sumusunod sa akin ay hindi na maglalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay.” 13Sinabi sa kaniya ng mga Pariseo, “Ikaw ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; ang iyong patotoo ay hindi tunay.” 14Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Kahit na ako ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay tunay. Alam ko kung saan ako nanggaling at saan ako pupunta, ngunit kayo hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling o saan ako pupunta. 15Humahatol kayo ayon sa laman; ako ay walang hinahatulan. 16Ngunit paghumatol ako, ang aking paghatol ay tunay dahil hindi ako nag-iisa, ngunit kasama ko ang aking Ama na nagsugo sa akin. 17Tama, at sa inyong batas ay nakasulat ang pagpapatotoo ng dalawang tao ay tunay. 18Ako ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, at ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo tungkol sa akin. 19Sinabi nila sa kaniya, “Nasaan ang iyong ama?” Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo ako kilala ni ang aking Ama; kung nakilala ninyo ako, makilala niyo na rin ang aking Ama.” 20Sinabi niya ang mga salitang ito na malapit sa lugar ng ingat-yaman noong siya ay nagturo sa templo, at walang sinuman ang humuli sa kaniya dahil hindi pa dumarating ang kaniyang oras.
Mga santo ng araw
- Pinagpalang Isidoro Tverdislov, Hangal alang-alang kay Cristo, Manggagawa ng Himala ng Rostov (1474)
- Paring Martir Pedro, pari (1939)
- Banal na Hirarka Nicetas, ermitanyong nakakulong ng mga Kuweba ng Kyiv, Obispo ng Novgorod (1108)
- Martir Maximo (c. 250)
- Kagalang-galang na Serapion, monghe ng Ehipto (ika-5 siglo)
- Banal na Hirarka Leoncio, Patriyarka ng Jerusalem (1175)
- Ikon ng Ina ng Diyos ng Yaroslavl (ng mga Kuweba) (1823)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Mayo 14 sa kalendaryo ng simbahan ay Mayo 27 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan