Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Disyembre 2026 › Disyembre 10
Kalendaryong Orthodox · Nobyembre 27 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Disyembre 10, 2026
Huwebes · Ika-28 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 2
Mga kapistahan at mga santo
Ang Himalang Tanda ng Kabanal-banalang Ina ng Diyos sa Dakilang Novgorod (1170)
Pag-aayuno ng Pasko
Pag-aayuno: may langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
5Para sa ganitong layunin iniwan kita sa Creta, upang ikaw ang maaaring mag-ayos ng mga bagay na hindi pa natapos at magtalaga ng mga nakatatanda sa bawat lungsod gaya ng iniutos ko sa iyo. 6Ang isang nakatatanda ay dapat walang kapintasan, may iisang asawa, mayroong masunurin na mga anak hindi naparatangan ng pagiging masama o matigas ang ulo. 7Kinakailangan para sa tagapangasiwa, bilang tagapamahala ng sambahayan ng Diyos, ay walang kapintasan. Hindi dapat matabil at walang pagpipigil sa sarili. Hindi madaling magalit, hindi lulon sa alak, hindi isang palaaway, at hindi isang taong sakim. 8Subalit dapat bukas ang kaniyang tahanan sa mga panauhin at isang kaibigan ng mabuti. Dapat siya ay matino, matuwid, makadiyos, at may pagpipigil sa sarili. 9Dapat siya ay matibay na nananangan sa naiturong mapakakatiwalaang mensahe, upang yaon siya ay maaaring magpalakas sa mga iba pa sa pamamagitan ng mabuting katuruan, at maituwid yaong mga sumasalungat sa kanya. 10Dahil marami ang taong naghihimagsik, lalo na sa yaong mga tuli. Walang silbi ang kanilang mga salita. Nililinlang nila at pinamumunuan ang mga tao sa maling dako. 11Kinakailangan pigilan ang kanilang mga labi. Sila ay nagtuturo ng hindi dapat ituro para sa kahiya-hiyang kapakinabangan at winawasak ang mga pamilya. 12Isa sa kanila, isang matalinong tao mula sa kanila, ang nagsabi “Ang mga Creto ay walang tigil sa pagsisinungaling, masama at mapanganib na mga hayop, tamad ang mga sikmura.” 13Ang pahayag na ito ay totoo, kaya mahigpit mo silang iwasto sa gayon sila ay maaaring maayos sa pananampalataya. 14Huwag paglaanan ng pansin ang mga kathang isip ng Judio o sa mga kautusan ng mga taong tumalikod sa katotohan. 15Sa yaong mga dalisay, lahat ng mga bagay ay dalisay. Ngunit sa yaong mga marumi at hindi naniniwala ay walang kadalisayan. Sapagkat ang kanilang mga pag-iisip at mga budhi ay madumi. 16Sinasabi nila na kilala ang Diyos, ngunit kanilang itinatatwa siya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Sila ay kasuklam-suklam at masuwayin. Sila ay tumututol sa anumang mabuting gawa. 2:1Ngunit ikaw, sabihin ang tama kasama ng tapat na pagtuturo.
Ebanghelyo
31Pagkatapos niyang tipunin ang Labindalawa, sinabi niya sa kanila, “Masdan ninyo, paakyat tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng bagay na isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao ay matutupad. 32Sapagkat ibibigay siya sa mga Gentil, at kukutyain, at ipapahiya, at duduraan. 33Pagkatapos siyang hagupitin, siya ay papatayin nila at sa ikatlong araw muli siyang mabubuhay.” 34Wala silang naunawaan sa mga bagay na ito, at ang salitang ito ay lingid sa kanila, at hindi nila naunawaan ang mga bagay na nasabi.
Mga santo ng araw
- Dakilang Martir Jacobo ang Persiano (421)
- Kagalang-galang na Paladio ng Alejandria (ika-6–7 siglo)
- Kagalang-galang na Romano, Manggagawa ng Himala (ika-5 siglo)
- Pagkatagpo sa mga relikya ni Tapat na Prinsipe Vsevolod ng Novgorod, sa Banal na Binyag ay Gabriel, Manggagawa ng Himala ng Pskov (1192)
- Banal na Hirarka Jacobo, Obispo ng Rostov (1392)
- Pinagpalang Andres ng Simbirsk (1841)
- Mga Paring Martir Nicolas, Arsobispo ng Vladimir, Basilio, Boris, Teodoro, Nicolas, Alexis, Juan, Sergio, Juan, Sergio, Nicolas, Demetrio, Vladimir at Juan, mga pari, mga Kagalang-galang na Martir Joasaf, Cronides, Nicolas, Jenofonte, Alexis, Apolo, Serafin at Nicon, at Martir Juan (1937)
- Ang 17 Kagalang-galang na Martir na mga monghe sa India (ika-4 siglo)
- Mga Ikon ng Ina ng Diyos na “Ang Tanda”: ng Kursk-Korennaya (1295), ng Abalak (1637), ng Tsarskoye Selo, ng Verkhniy Tagil (1753), ang tinatawag na “Korchemnaya” (ika-18 siglo), ng Serafimo-Ponetayevka (1879)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Nobyembre 27 sa kalendaryo ng simbahan ay Disyembre 10 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan