Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Nobyembre 2026 › Nobyembre 10
Kalendaryong Orthodox · Oktubre 28 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Nobyembre 10, 2026
Martes · Ika-24 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 6
Mga kapistahan at mga santo
Dakilang Martir Parasceva, na tinatawag na Pyatnitsa (ika-3 siglo)
Pag-aayuno
Walang pag-aayuno
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
9Sapagkat anong pasasalamat ang maibibigay namin sa Diyos dahil sa inyo, para sa lahat ng kagalakan na mayroon kami sa harap ng ating Diyos dahil sa inyo? 10Gabi at araw nananalangin kami ng buong tiyaga upang makita namin kayo ng harapan at maipagkaloob kung ano ang kulang sa inyong pananampalataya. 11Nawa ang ating Diyos Ama, at ang ating Panginoong Jesus ang manguna sa amin sa inyo. 12Nawa palaguin kayo at pasaganahin ng Panginoon sa pag-ibig sa isa't-isa at sa lahat ng tao, na gaya ng ginagawa namin sa inyo. 13Nawa ay gawin niya ito upang palakasin ang inyong mga puso na walang kapintasan sa kabanalan sa harap ng ating Diyos at Ama sa pagdating ng ating Panginoong Jesus kasama ang lahat ng kaniyang mga banal.
Ebanghelyo
1At nangyari nang si Jesus ay nananalangin sa isang lugar, sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, “Panginoon, turuan mo kaming manalangin na gaya ng tinuro ni Juan sa kaniyang mga alagad.” 2Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo ay mananalangin, sabihin ninyo, 'Ama, sambahin ang iyong pangalan. Ang kaharian mo ay dumating. 3Bigyan mo kami ng aming tinapay sa araw-araw. 4Patawarin mo kami sa aming mga kasalan gaya ng pagpapatawad namin sa may pagkakautang sa amin. Huwag mo kaming itungo sa tukso.'” 5Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sino sa inyo ang mayroong kaibigan, at pupunta ka sa kaniya sa hating gabi, at sasabihin mo sa kaniya, 'Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay, 6sapagkat kararating lamang ng isang kaibigan ko mula sa paglalakbay at wala akong anumang maihahanda sa kaniya.' 7At ang nasa loob na sasagot na magsasabi na, 'Huwag mo akong gambalain. Sarado na ang pinto, ako at ang aking mga anak ay nakahiga na. Hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo ng tinapay.' 8Sinasabi ko sa inyo, kahit na siya ay hindi bumangon at magbigay sa iyo ng tinapay dahil ikaw ay kaibigan niya, ngunit dahil sa iyong hindi nahihiyang pagpupumilit, siya ay babangon at bibigyan ka ng tinapay ayon sa dami ng iyong kailangan. 9Sinasabi ko rin sa inyo, humingi kayo at ito ay maibibigay sa inyo, maghanap at inyong matatagpuan. Kumatok, at ito ay mabubuksan para sa inyo. 10Sapagkat ang bawat tao na humihingi ay makatatanggap at ang tao na naghahanap ay makatatagpo at sa tao na kumakatok, ito ay mabubuksan.
Mga santo ng araw
- Mga Martir Terencio at Neonila at ang kanilang mga anak: Sarbelio, Foto, Teodulo, Hierax, Nito, Bilo at Eunice (c. 249-250)
- Kagalang-galang na Esteban ng Monasteryo ni San Sabas, manunulat ng mga kanon (ika-9 siglo)
- Banal na Hirarka Arsenio I, Arsobispo ng Serbia (1266)
- Kagalang-galang na Job ng Pochaiv (1651)
- Banal na Hirarka Demetrio, Metropolita ng Rostov (1709)
- Paring Martir Juan, pari (1918)
- Mga Martir Africano, Terencio, Maximo, Pompeyo at iba pang 36 (ika-3 siglo)
- Paring Martir Ciriaco, Patriyarka ng Jerusalem (363)
- Paring Martir Neofito, Obispo ng Urbnisi (587)
- Kagalang-galang na Juan ng Choziba, Obispo ng Cesarea (ika-6 siglo)
- Nestor na Hindi Marunong Bumasa, ng mga Kuweba ng Kyiv (ika-14 siglo)
- Kagalang-galang na Teofilo ng Kyiv, Hangal alang-alang kay Cristo (1853)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Oktubre 28 sa kalendaryo ng simbahan ay Nobyembre 10 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan