Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Oktubre 2026 › Oktubre 23
Kalendaryong Orthodox · Oktubre 10 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Oktubre 23, 2026
Biyernes · Ika-21 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 3
Mga kapistahan at mga santo
Mga Martir Eulampio at Eulampia (303-311)
Araw ng pag-aayuno
Pag-aayuno: may langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
1Sapagkat gusto kong malaman ninyo kung gaano kalaki ang paghihirap ko para sa inyo, para sa mga nasa Laodicea, at para sa marami pang hindi pa nakikita ang aking mukha ng harapan. 2Gumagawa ako upang mapalakas ko ang kanilang kalooban sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa pagmamahal at sa lahat ng kayamanan ng buong katiyakan ng pang-unawa, sa kaalaman tungkol sa lihim na katotohanan ng Diyos, na si Cristo. 3Sa kaniya ay nakatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman. 4Sinasabi ko ito nang sa gayon ay walang manloko sa inyo sa pamamagitan ng mapanghikayat na pananalita. 5At bagaman hindi niyo ako pisikal na kasama, kasama ninyo naman ako sa espiritu. Nagagalak akong makita ang inyong mahusay na kaayusan at ang kalakasan ng inyong pananampalataya kay Cristo. 6Yamang tinanggap ninyo si Cristo ang Panginoon, lumakad kayong kasama niya. 7Maging matatag kayong nakatanim sa kaniya, mabuo kayo sa kaniya. Magpakatibay kayo sa inyong pananampalataya tulad ng naituro sa inyo, at maging sagana kayo sa pagpapasalamat.
Ebanghelyo
31“Sa ano ko ihahambing ang mga tao sa salinlahing ito? Ano ang katulad nila? 32Katulad sila ng mga batang naglalaro sa pamilihan, na umuupo at tumatawag sa bawat isa at sinasabi, 'Tumugtog kami ng plauta para sa inyo, ngunit hindi kayo sumayaw. Nagdalamhati kami, ngunit hindi kayo umiyak.' 33Sapagkat naparito si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak, at inyong sinabi, 'Siya ay may demonyo.' 34Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at uminom at inyong sinabi, 'Masdan ninyo, siya ay isang napakatakaw na tao at isang manginginom, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan!' 35Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala ng lahat ng kaniyang mga anak.”
Mga santo ng araw
- Kagalang-galang na Ambrosio ng Optina (1891)
- Banal na Hirarka Inocencio, Obispo ng Penza (1819)
- Martir Teotecno (c. 284-305)
- Kagalang-galang na Basiano, Manggagawa ng Himala (ika-5 siglo)
- Kagalang-galang na Teofilo, Kumpesor (c. 717-741)
- Banal na Hirarka Anfiloquio, Obispo ng Volodymyr sa Volhynia (1122)
- Pinagpalang Andres, Hangal alang-alang kay Cristo, ng Totma (1673)
- Pagtitipon ng mga Banal ng Volhynia
- Pagtitipon ng mga Banal na Matanda ng Optina: Leon, Macario, Ambrosio, Moises, Antonio, Hilarion, Isaac (ang Una), Anatolio (ang Nakatatanda), Jose, Barsanufio, Anatolio (ang Nakababata), Nectario, Isaac (ang Ikalawa) at Nicon
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Oktubre 10 sa kalendaryo ng simbahan ay Oktubre 23 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan