Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Oktubre 2026 › Oktubre 21
Kalendaryong Orthodox · Oktubre 8 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Oktubre 21, 2026
Miyerkules · Ika-21 linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 3
Mga kapistahan at mga santo
Kagalang-galang na Pelagia (457)
Araw ng pag-aayuno
Pag-aayuno: may langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
18At siya ang ulo ng katawan, ang iglesiya. Siya ang simula at ang unang anak mula sa mga patay, kaya siya ang pangunahin sa lahat ng mga bagay. 19Sapagkat ang Diyos ay nalugod na ang kaniyang kaganapan ay nararapat na mamuhay sa kaniya, 20at upang ipagkasundo sa kaniya ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng Anak. Gumawa ang Diyos ng kapayapaan sa pamamagitan ng kaniyang dugo sa krus. Ipinagkasundo ng Diyos ang lahat ng bagay sa kaniyang sarili, maging ang mga bagay sa lupa o ang mga bagay sa kalangitan. 21At kayo rin, sa isang pagkakataon ay mga taong hindi kilala ng Diyos, at mga kaaway niya sa kaisipan at masasamang mga gawa. 22Ngunit pinagkasundo niya kayo ngayon sa kaniyang lupang katawan sa pamamagitan ng kamatayan. Ginawa niya ito upang iharap kayong banal, walang kapintasan at walang dungis sa kaniyang harapan, 23kung kayo ay nagpapatuloy sa pananampalataya, matatag at matibay, hindi napapakilos palayo mula sa tiyak na inaasahan ng ebanghelyo na inyong narinig. Ito ang ebanghelyo na naipahayag sa bawat tao sa ilalim ng langit. Ito ang ebanghelyo kung saan, akong si Pablo ay naging isang lingkod.
Ebanghelyo
46Bakit mo ako tinatatawag na, 'Panginoon, Panginoon,' ngunit hindi mo sinusunod ang mga bagay na sinasabi ko? 47Ang bawat tao na lumalapit sa akin at nakikinig ng aking mga salita at sinusunod ang mga ito, sasabihin ko sa inyo kung ano ang kaniyang katulad. 48Siya ay tulad ng isang tao na nagtatayo ng bahay, na humukay nang malalim sa lupa at itinayo ang pundasyon ng bahay sa matatag na bato. Nang dumating ang baha, umagos ang malakas na tubig sa bahay ngunit hindi nito kayang yanigin dahil ito ay itinayo nang mahusay. 49Ngunit ang tao na nakikinig sa aking mga salita at hindi ito sinusunod, siya ay tulad ng isang tao na nagtayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na walang pundasyon. Nang umagos ang malakas na tubig sa bahay, agad-agad itong gumuho at ganap ang pagkasira ng bahay na iyon. 7:1Pagkatapos ng lahat ng mga bagay na sinabi ni Jesus sa mga taong nakikinig, pumunta siya sa Capernaum.
Mga santo ng araw
- Mga Paring Martir Demetrio, Arsobispo ng Mozhaysk, at kasama niya sina Juan na diyakono, mga Kagalang-galang na Martir Ambrosio at Pacomio, Kagalang-galang na Martir Tatiana, Martir Nicolas, at mga Martir Maria at Nadezhda (1937)
- Mga Paring Martir Jonas, Obispo ng Velizh, Pedro, Basilio, Pablo, Pedro at Vladimir, mga pari, Kagalang-galang na Martir Serafin, mga Martir Victor, Juan at Nicolas, at Martir Elisabet (1937)
- Kagalang-galang na Martir Barlaam (katapusan ng dekada 1930)
- Banal na Pelagia, birhen (303)
- Kagalang-galang na Taisia (ika-4 siglo)
- Kagalang-galang na Dositeo ng Verkhneostrovsk, ng Pskov (1482)
- Kagalang-galang na Trifon, Arkimandrita ng Vyatka, Manggagawa ng Himala (1612)
- Pagtitipon ng mga Banal ng Vyatka
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Oktubre 8 sa kalendaryo ng simbahan ay Oktubre 21 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan