Tuklasin › Mga lumang mapa › Ang Banal na Lupain ni Tobias Conrad Lotter
Buksan ang mapa sa buong laki (3000 × 2530)Library of Congress, Geography and Map Division · pampublikong domain
Mga lumang mapa · 1759
Ang Banal na Lupain ni Tobias Conrad Lotter Gumawa ng mapa: Lotter, Tobias Conrad · Taon: 1759
Inilathala sa Augsburg noong 1759 ni Tobias Conrad Lotter, manugang at kahalili ni Matthäus Seutter. Ipinapakita nito ang mga sinaunang kaharian ng Juda at Israel na hinati sa labindalawang lipi; isang maliit na karagdagang mapa sa kanang ibaba ang sumusubaybay sa apatnapung taon ng paglalakbay mula Ehipto hanggang Canaan, himpilan sa himpilan. Sa cartouche ay nakatayo ang isang punong pari na may hawak na mga tapyas ng Kautusan at isang ilawan.
Ang mapa sa Library of Congress
Mga lumang mapa ng Banal na Lupain, 1600–1881: Library of Congress, Geography and Map Division (pampublikong domain; nahanap ang mga numero sa Wikimedia Commons, ang mga larawan ay mula sa server ng aklatan); amin ang mga teksto
Mga sipi 1 Hari 12:19–20 Kaya ang Israel ay naging rebelde laban sa angkan ni David hanggang sa araw na ito. Nangyari ito nang mabalitaan ng buong Israel na bumalik na si Jeroboam, ipinadala nila at tinawag siya sa kanilang kapulungan at ginawa siyang hari sa buong Israel. Walang isa man ang sumunod sa pamilya ni David, maliban lamang sa lipi ni Juda. Bil 33:1–49 Ito ang mga pagkilos ng mga tao ng Israel matapos nilang lisanin ang lupain ng Ehipto ayon sa kanilang mga armadong pangkat sa ilalim ng pamumuno ni Moises at Aaron. Isinulat ni Moises ang mga lugar mula sa pinanggalingan nila hanggang sa pinuntahan nila ayon sa inutos ni Yahweh. Ito ang kanilang mga pagkilos, mula sa paglisan tungo sa sunod na paglisan. Naglakbay sila mula sa Rameses sa unang buwan, umalis sila sa ikalabing limang araw ng unang buwan. Sa umaga matapos ang Paskua, hayagang umalis ang mga tao ng Israel sa paningin ng lahat ng mga taga-Ehipto. Nangyari ito habang inililibing ng mga taga-Ehipto ang lahat ng kanilang mga panganay, iyong mga pinatay ni Yahweh sa kanila, sapagkat nagpataw din siya ng parusa sa kanilang mga diyos. Naglakbay ang mga tao ng Israel mula sa Rameses at nagkampo sa Sucot. Naglakbay sila mula sa Succot at nagkampo sa Etam sa dulo ng ilang. Naglakbay sila mula sa Etam at bumalik sa Pi Hahirot na kasalungat ng Baal-zefon, kung saan sila nagkampo kasalungat ng Migdol. Pagkatapos, naglakbay sila mula sa kasalungat ng Pi Hahirot at dumaan sila sa gitna ng dagat tungo sa ilang. Naglakbay sila ng tatlong araw tungo sa ilang ng Etam at nagkampo sa Mara. Naglakbay sila mula sa Mara at dumating sa Elim. May labindalawang bukal at pitumpung puno ng palmera sa Elim. Doon sila nagkampo. Naglakbay sila mula sa Elim at nagkampo sa tabi ng Dagat ng mga Tambo. Naglakbay sila mula sa Dagat ng mga Tambo at nagkampo sa ilang ng Sin. Naglakbay sila mula sa ilang ng Sin at nagkampo sa Dofca. Naglakbay sila mula sa Dofca at nagkampo sa Alus. Naglakbay sila mula sa Alus at nagkampo sila sa Refidim, kung saan walang matagpuang tubig upang mainom ng mga tao. Naglakbay sila mula sa Refidim at nagkampo sa ilang ng Sinai. Naglakbay sila mula sa ilang ng Sinai at nagkampo sa Kibrot Hataava. Naglakbay sila mula sa Kibrot Hattaava at nagkampo sa Hazerot. Naglakbay sila mula sa Hazerot at nagkampo sa Ritma. Naglakbay sila mula sa Ritma at nagkampo sa Rimmon Perez. Naglakbay sila mula sa Rimmon Perez at nagkampo sa Libna. Naglakbay sila mula sa Libna at nagkampo sa Risa. Naglakbay sila mula sa Risa at nagkampo sa Cehelata. Naglakbay sila mula sa Cehelata at nagkampo sila sa Bundok ng Sefer. Naglakbay sila mula sa Bundok ng Sefer at nagkampo sa Harada. Naglakbay sila mula sa Harada at nagkampo sa Macelot. Naglakbay sila mula sa Macelot at nagkampo sa Tahat. Naglakbay sila mula sa Tahat at nagkampo sa Tera. Naglakbay sila mula sa Tera at nagkampo sa Mitca. Naglakbay sila mula sa Mitca at nagkampo sa Hasmona. Naglakbay sila mula sa Hasmona at nagkampo sa Moserot. Naglakbay sila mula sa Moserot at nagkampo sa Bene Jaakan. Naglakbay sila mula sa Bene Jaakan at nagkampo sa Hor Hagidgad. Naglakbay sila mula sa Hor Hagidgad at nagkampo sa Jotbata. Naglakbay sila mula sa Jotbata at nagkampo sa Abrona. Naglakbay sila mula sa Abrona at nagkampo sa Ezion Geber. Naglakbay sila mula sa Ezion Geber at nagkampo sa ilang ng Sin sa Kades. Naglakbay sila mula sa Kades at nagkampo sa Bundok ng Hor, sa dulo ng lupain ng Edom. Umakyat ang paring si Aaron sa Bundok Hor ayon sa utos ni Yahweh at doon namatay sa ika-apatnapung taon matapos lumabas ang mga tao ng Israel sa lupain ng Ehipto, sa ikalimang buwan, sa unang araw ng buwan. 123 taong gulang si Aaron nang mamatay siya sa Bundok Hor. Narinig ng hari ng Arad na Cananeo, na nakatira sa timugang ilang sa lupain ng Canaan ang pagdating ng mga tao ng Israel. Naglakbay sila mula sa Bundok Hor at nagkampo sa Zalmona. Naglakbay sila mula sa Zalmona at nagkampo sa Punon. Naglakbay sila mula sa Punon at nagkampo sa Obot. Naglakbay sila mula sa Obot at nagkampo sa Iye Abarim, sa hangganan ng Moab. Naglakbay sila mula sa Iye Abarim at nagkampo sa Dibon Gad. Naglakbay sila mula sa Dibon Gad at nagkampo sa Almon Diblataim. Naglakbay sila mula sa Almon Diblataim at nagkampo sa kabundukan ng Abarim, salungat ng Nebo. Naglakbay sila mula sa mga kabundukan ng Abarim at nagkampo sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico. Nagkampo sila sa tabi ng Jordan, mula Bet Jesimot hanggang Abel Siitim sa mga kapatagan ng Moab.