Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Ang mga hari ng Juda

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Ang mga hari ng Juda

Si Jotam, hari ng Juda

2 Hari 15:32–38 · 2 Cro 27:1–9

2 Mga Hari

2 Hari 15:32–38

32Sa ikalawang taon ni Peka anak ni Remalias, hari ng israel, nagsimulang maghari si Jotam anak ni Uzzias, hari ng Juda.

33Dalawampu't limang taon gulang siya nang magsimula siyang maghari; labing anim na taon siyang naghari sa Jerusalem. Jerusa ang pangalan ng kaniyang ina; siya ay anak ni Zadok.

34Matuwid ang ginawa ni Jotam sa paningin ni Yahweh. Sinunod niya ang halimbawang ginawa ng kaniyang amang si Uzzias.

35Subalit, ang mga dambana ay hindi inalis. Nag-aalay pa rin at nagsusunog ng insenso ang mga tao sa mga dambana. Ipinagawa ni Jotam ang tarangkahan sa gawing itaas ng tahanan ni Yahweh.

36Sa iba pang mga bagay tungkol kay Jotam, lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba ang mga ito ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Juda?

37Sa panahong iyon sinimulang isugo ni Yahweh sina Rezin hari ng Aram, at Peka anak ni Remalias laban sa Juda.

38Nahimlay si Jotam kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing kasama ng kaniyang ninuno sa lungsod ni David. Pagkatapos si Ahaz, kaniyang anak, ay naging hari kapalit niya.

2 Mga Cronica

2 Cro 27:1–9

1Si Jotam ay dalawampu't limang taong gulang nang magsimula siyang maghari at naghari siya sa Jerusalem ng labing-anim na taon. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa; siya ang anak na babae ni Zadok.

2Ginawa niya ang tama sa mga mata ni Yahweh, sinusunod ang lahat ng halimbawa ng kaniyang amang si Uzias. Pinigilan din niyang pumunta sa loob ng templo ni Yahweh. Ngunit patuloy pa rin ang mga tao sa kanilang mga masasamang gawain.

3Itinayo niya ang mataas na tarangkahan sa tahanan ni Yahweh, at sa burol ng Ofel ay nagtayo pa siya ng marami.

4Bukod pa roon, nagtayo siya ng mga lungsod sa maburol na bahagi ng Juda, at nagtayo siya ng mga kastilyo at mga tore sa kagubatan.

5Lumaban din siya sa hari ng Ammon at tinalo sila. Sa taon ding iyon, nagbigay sa kaniya ng isandaang talento ng pilak ang mga Ammonita, sampung libong sukat ng trigo, sampung libong sukat ng sebada. Patuloy na nagbigay sa kaniya ang mga Ammonita sa ikalawa at ikatlong taon.

6Kaya naging makapangyarihan si Jotam dahil lumakad siya ng may katatagan kay Yahweh na kaniyang Diyos.

7At sa iba pang mga bagay tungkol kay Jotam, lahat ng kaniyang pakikipagdigma at pamumuhay, tingnan ninyo, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Hari ng Israel at Juda.

8Siya ay dalawampu't limang taong gulang nang magsimulang maghari at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon.

9Si Jotam ay namatay at siya ay kanilang inilibing sa lungsod ni David. Si Ahaz, na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY