Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Mula kay Hezekias hanggang kay Josias

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Mula kay Hezekias hanggang kay Josias

Ang pagkamatay ni Hezekias

2 Hari 20:20–21 · 2 Cro 32:32–33

2 Mga Hari

2 Hari 20:20–21

20Para sa ibang mga bagay tungkol kay Hezekias, at lahat ng kaniyang kapangyarihan, at kung paano niya itinayo ang tubigan at ang padaluyan ng tubig, at paano niya dinala ang tubig sa lungsod—hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Juda?

21Nahimlay si Hezekias kasama ng kaniyang mga ninuno, at si Manasses na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

2 Mga Cronica

2 Cro 32:32–33

32Sa iba pang mga bagay tungkol kay Ezequias, kabilang ang kaniyang mga gawa na nagpapakita ng katapatan, makikita ninyo na nakasulat ang mga ito sa Pangitain ni Propeta Isaias na Anak ni Amoz, at sa Aklat ng mga Hari ng Judah at Israel.

33Namatay si Ezequias gaya ng kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa burol ng libingan ng mga kaapu-apuhan ni David. Sa kaniyang burol pinarangalan siya ng lahat ng mga taga-Juda at lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem. Pumalit sa kaniya bilang hari ang kaniyang anak na lalaki na si Manases.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY