Bible Explorer

Tuklasin › Para sa mga peregrino › Ang pitong iglesia ng Pahayag at ang Patmos › Efeso

Ang pitong iglesia ng Pahayag at ang Patmos · Hinto 1 · Araw 1

Efeso

The Aegean Sea
Photochrom, Library of Congress · walang kilalang paghihigpit sa paglalathala

Sa Bibliya

Nagturo si Pablo rito nang mahigit dalawang taon; napuno ng mga tao ang teatro sa isang kaguluhan dahil kay Diana. Ang una sa pitong sulat ay para sa Efeso: iniwan ninyo ang inyong unang pag-ibig.

Gawa 19:8–10Pumunta si Pablo sa sinagoga at matapang na nagsalita sa loob ng tatlong buwan. Pinangungunahan niya ang mga pagpapaliwanag at panghihikayat sa mga tao tungkol sa mga bagay patungkol sa Kaharian ng Diyos. Ngunit nang ang ilan sa mga Judio ay nagmamatigas at hindi sumusunod, nagsimula silang magsalita ng masama sa daan ni Cristo sa harap ng maraming tao. Kaya iniwan sila ni Pablo at pinangunahan niya ang mga mananampalataya palayo sa kanila. Nagsimula siyang magsalita araw-araw sa loob ng bulwagan ng Tiranus. Nagpatuloy ito ng dalawang taon, lahat ng mga taong nakatira sa Asia ay nakarinig ng Salita ng Panginoon, maging Judio o Griego.
Gawa 19:29–34Napuno ng kaguluhan ang buong lungsod, at ang mga tao ay sama-samang nagmadali papunta sa tanghalan. At dinampot nila ang mga kasamahan ni Pablo sa paglalakbay na sina Gaius at Aristarco, na taga-Macedonia. Nais ni Pablo na pumasok sa gitna ng napakaraming tao, ngunit pinigilan siya ng mga alagad. Maging ang ilan sa mga opisyal ng probinsiya ng Asia na kaniyang mga kaibigan ay nagpadala ng mensahe na nakikiusap na huwag siyang tumuloy sa tanghalan. Ang ibang mga tao ay sumisigaw ng isang bagay, at ang ilan ay naman, sapagkat nalito ang mga tao. Karamihan sa kanila ay hindi alam kung bakit sila nagkatipon-tipon doon. Dinala ng mga Judio si Alejandro palabas sa maraming tao, ihinarap siya sa mga tao. Si Alejandro ay nagsenyas ng kaniyang kamay upang magbigay ng paliwanag sa mga tao. Ngunit nang malaman nila na siya ay isang Judio, sumigaw silang lahat ng may iisang tinig sa loob ng dalawang oras, “Dakila si Diana ng mga taga Efeso.”
Pah 2:1–4Sa anghel ng iglesia sa Efeso isulat: 'Ito ang mga salita ng isang may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay.' Ang isa na siyang lumakad sa gitna ng pitong mga gintong ilawan sinasabi ito, “Alam ko ang inyong ginawa at ang inyong mahirap na trabaho at ang inyong matiyagang pagtitiis, at hindi ninyo matiis ang mga kasaman at inyong sinubok ang mga umaangkin na sila ay mga apostol, pero hindi, at nakita ninyo na sila ay hindi totoo. Alam ko na mayroon kayong matiyagang pagtitiis, at marami na kayong pinagdaanan dahil sa aking pangalan, at hindi kayo lumagong pagod. Pero ito ang ayaw ko laban sa inyo—iniwan ninyo ang inyong unang pag-ibig.

Narito ngayon

Isa sa mga dakilang hinukay na Romanong lungsod: ang kalyeng marmol, ang Aklatan ni Celsus, ang teatro ng kaguluhan at ang mga bahay sa terasa.

Sa mata ng mga sinaunang peregrino

Mababasa ng isang tao ang Kasulatan at maniniwala, ngunit hindi siya maaaring pumunta at tumayo roon sa wasak na teatro at sa guni-guni ay punuin itong muli ng naglahong mga pulutong na dumumog sa mga kasama ni Pablo roon at sumigaw nang iisang tinig, “Dakila si Diana ng mga taga-Efeso!”Mark Twain, The Innocents Abroad, 1869 · aming salin

Bago bumiyahe, tingnan ang payo sa paglalakbay ng inyong bansa. Nagbabago ang oras at mga patakaran ng mga lugar — tingnan ang kanilang opisyal na pahina.

Mga balangkas ng lupa: Natural Earth (pampublikong domain).